Friday, 22 March 2019

Mga halamang gamot para sa di karaniwang sakit

Ginawa ng diyos ang kalikasan na puno ng pagmamahal kung kaya ang mga halamang ating nakikita sa ating kapaligiran ay hindi lang nagpapaganda sa ating mundo,

Ginawa ng diyos ang mga halaman at prutas hindi lamang para makain, Ang bawat halaman na nakikita natin kung saan-saan ay may misyon dito sa mundong ibabaw,
marahil hindi pa natutuklasan ang benipisyo ng mga ibang halaman, pero unti-unti na itong nadidiskubre.

BASAHIN ANG ISANG LINYA MULA SA BIBLIA
"Ezekiel 47:12
At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo,
ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario;
at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling. "

Mga Halamang gamot:

PARAGIS GRASS

Ito ay madalas nating makita tuwing ang alagang aso natin ay maysakit ito ang lagi nilang kinakain.
naisip mo ba kung bakit ito kinakain at sa susunod na mga araw ay magaling na si bantay?

Kailan lng ay may naka tukalas sa laki ng benepisyo ng damo na ito.

maaring lunas:
- Cancer – Paragis’ antioxidants pumipigil sa pag lakas ng cancer cells.
- Ovarian cyst at myoma – Ovarian cyst kayang gamutin Paragis tea.
- Kidney problems – ang Paragis tumutulong ilabas ang alat sa ating katawan dahil meron itong diuretic property.
-Arthritis – Painitin ang dahon ng paragis at lagyan ito ng langis ng niyog at ipatong sa parte na masakit.
-Diabetes – Paragis ay mayroong antidiabetic properties. Gawin itong tsaa sa araw araw.
-Parasites – mayroon itong laxative properties na laban sa mga parasito sa katawan.
-UTI – pakuluan at gawin itong tsaa sa araw-araw.
-Hypertension – Pakuluan ang dahon at ugat nito palamigin at ito ang gawing tubig pagtapos kumain.
-Fever – Pag inom ng pinakuluang paragis ay makakatulong sa pagpapa-baba ng lagnat.
-Sprain – Ipahid ang dinikdik na dahon ng paragis sa apektadong parte.
-Dandruff – Ipaghalo ang dinikdik na paragis sa coconut oil at ito ang gawing shampoo.
-Dysentery – Pag inom ng pinakuluan na ugat ng paragis ay makakalunas ng gastroenteritis (Diarrhea with blood).

karagdagang benepisyo:
asthma, epilepsy, malaria, infertility(women), bladder and liver problems, hemoptysis, and jaundice.


AKAPULKO
 Ang dahon ng Akapulko ay mayroong chrysophanic acid, a fungicideay na mainam para sa mga taong may impeksyon sa balat.
Maaari itong gawing lunas sa:
-tinea infection,
-ringworms,
-eczema,
-scabies
-insect bites
-lahat ng klase ng pangangati.
-asthma,ubo
-gout
-arthritis
-rheumatitis


Paano gamitin:
1. para sa astma,ubo- magpa kulo lamang ng 5 to 10 na dahon ng akapulko at uminom isang beses sa isang araw.
2.para sa sakit sa balat- dikdikin lamang ang dahon ng akapulko at ipahid sa parte na gagamutin.

Kang Kong
ito ay magtatagpuan sa matubig na lugar na karaniwan ginagamit nating sahog sa pagluto.
Hindi alam ng karamihan na ang dami ng benepisyo na makukuha dito.

maaring gawing lunas sa:
-skin diseases such as ringworm, athletes foot etc,
-gamot sa lagnat
-constipation
-bulati sa bituka
-Liver problem
-diabetes para sa mga buntis
-para sa mga di makatulog sa gabi

paano gamitin:
1. para sa lagnat- magpakulo at palamigin at gawing cold compress.
2.para sa ,liver problem,insomnia etc.- magpakulo ng dahon at inumin ng 2 beses sa isang araw.
3. para sa constipation- ang kang kong ay napaka yaman sa fiber maari itong iluto at kainin.

BAWANG
ayon sa pag susuri ng mga dalubhasa napakaraming benepisyo ng bawang. Isa na dito ang anti-oxidant
nakakapag patibay ng mg buto,

ang bawang ay mayroong
Manganese: 23% of the RDA.
Vitamin B6: 17% of the RDA.
Vitamin C: 15% of the RDA.
Selenium: 6% of the RDA.
Fiber: 0.6 grams.
calcium, copper, potassium, phosphorus, iron and vitamin B1.

maaring lunas sa:
-sipon
-high blood presure
-skin diseases
-high cholesterol
-heart disease

paano gamitin:
1. para sa high blood, high cholesterol,heart disease, sipon.
- magabalat ng isang parte ng bwang (clove) at kainin ito.
2- Para sa skin diseases- magdikdik lamang at ipahid sa parte na gagamutin.


SINAW- SINAW o kilala sa tawag na pansit-pansitan.

ang ina-akala ng lahat na isa lamang itong damo na tumutubo kung saan-saan ay mayroon palang
napakaraming benepisyo.

maaring lunas sa:
-Arthritis
-Rheumatic
-Kidney Stone
-Head Ache
-High Blood Pressure
-Pimples and others
-Gout

paano gamitin:
ipakulo lamang ang sariwang sinaw-sinaw sa loob ng 20 minuto, palamigin at inumin ng 3 beses sa isang araw pag tapos kumain.
gawin itong tsaa.

SALINGKAPAW o kilala sa tawag na TAWA-TAWA

Tuwing tag ulan di mapigilan ang pag dami ng mga dengue victims, Ang sakit na ito ay dala ng mga lamok,ito ay napaka seryosong sakin na magdulot ng pagkamatay,

kailan lang ay natukalasan ng isang kababayan natin ang salingkapaw ay napaka bisa ng gamot na pang kontra sa dengue, maraming doctor ang ayaw maniwala
sa kayang gawin ng salingkapaw, at maraming doktor din ang nakapag patunay na naka gagaling talaga ito ng dengue.

paano gamitin:
Hugasan ng maigi ang nakuhang sariwang salingkapaw kasama ang ugat nito.pakuluan ito sa 1.5 litro ng tubig sa loob ng 20 minutes.
ilagay sa isang container at palamigin.
uminom nito ng 1liter kada araw.

SAMBONG
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang sambong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Ang halaman na sambong ay mayroong volatile oil, l-borneol, l-camphor, limonene, saponins, sesquiterpene at limonene, tannins, sesquiterpene alcohol, palmitin, myristic acid.
Mayroon din itong flavonoids, terpenes (borneol, limonene, camphor, a-pinene, b-pinene, 3-carene, sesquiterpenes, monoterpenes, triteroenes, at cryptomeridiol), lactones (blumealactone A, B, C)

maaring lunas sa:
kidney stones - uminom lamang ng pinakuluang dahon ng sambong at inumin pagtapos kumain.
stomachache o sakit sa tiyan - magpakulo ng dahon at gawin itong tsaa.
1. Sipon. Ang regular naman na pag-inom sa tsaa na nagmula sa dahon ng sambong ay mabisa upang mawala ang mga sintomas ng sipon.
2.Hika. Mabisa pa rin ang tsaa ng sambong para sa kondisyon ng hika.


3. Karamdaman sa bato. Ang pag-inom din sa pinaglagaan ng dahon ng sambong ay mabisa upang mapabuti ang kondisyon ng mga bato o kidney. Tumutulong ito sa tuloy-tuloy na daloy ng pag-ihi.

4. Rayuma. Mabisa naman para sa kondisyon ng rayuma ang pagbabad sa bahagi ng katawan na nananakit sa tubig na pinaglagaan ng dahon ng sambong.

5. Sinusitis. Iniinuman din ng pinaglagaan ng dahon ng sambong ang kondisyon ng sinusitis upang mapabuti ang pakiramdam.

6. Sugat. Maaaring ipantapal ang dinikdik na dahon ng sambong sa sugat na hindi madaling maghilom. Makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling sa sugat.


7. Sakit ng ulo. Pinagtatapal sa noo ang dahon ng sambong kung sakaling makaramdam ng pananakit sa ulo.

8. Lagnat. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng sambong upang mapababa ang lagnat na nararanasan.

KATAS NG SABILA (Aloe Vera)

Isa sa napaka daming benepisyo, Ang 'halaman ng kawalang-kamatayan', tulad ng ito ay tinatawag na sa pamamagitan ng mga taga-Ehipto,
na makagagawa ng mga himala hindi lamang para sa iyong balat, ngunit para sa iyong buhok at kalusugan,

maaring gamot sa:
-gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika
- pampalago ng buhok,
-pampakinis ng kutis,
-pag gamot sa sugat.

PAANO Gamitin:

Kuning lamang ang katas ng alovera at iyon ang gamitin sa pag gamot sa anumang nasabing sakit.

LAGUNDI


Ang iba’t ibang bahagi ng halamang lagundi ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Ang langis na makukuha sa halaman ay may taglay na sabinene, linalool, terpinen-4-ol, b-caryophyllene, a-guaine at globulol.
Ang dahon ay makukuhanan ng nishindine, flavones, luteolin-7-glucoside, casticin, iridoid glycosides.
Ang buto ay mayroon namang hydrocarbons, B-sitosterol, benzoic acid and phthalic acid, antiinflammatory diterpene, flavonoids and triterpenoids

maaring gamot sa:
1.Pigsa. Ang mga pigsa ay hinuhugasan naman ng pinaglagaan ng ugat ng lagundi.

2. Kabag. Iniinom naman ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi upang maibsan ang pananakit ng sikmura dahil sa pagkakaroon ng hangin dito.

3. Ubo na may makapit na plema. Ang paggamit sa lagundi bilang gamot sa ubo ay aprubado ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) at iminumungkahi ng Department of Health bilang mabisa at ligtas na gamot. Maaaring gamitin ang ugat ng lagundi, ilaga at inumin ang pinaglagaan. May kaparehong epekto din ang pag-inom sa pinaglagaan naman ng dahon ng lagundi.

4. Lason mula sa kagad ng hayop. Matutulungan pag-inom sa pinaglagaan ng buto ng lagundi na mabawasan ang epekto ng laso sa katawan mula sa kagat ng mga hayop o insekto.

5. Pananakit ng ulo. Tinatapalan naman ng dinikdik na dahon ng lagundi ang sentido at noo ng taong dumaranas ng pananakit ng ulo.

6. Pananakit ng ngipin. Ang pagpapakulo sa dinikdik na dahon ng lagundi at regular na pag-inom nito ay makatutulong na maibsan ang pananakit ng ngipin.

7.Bagong panganak. Ipinangliligo naman sa mga ina na bagong panganak pa lamang ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

8. Rayuma. Maaaring gamiting panghugas sa bahaging dumadanas ng pananakit dahil sa rayuma ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng lagundi. Maaari ding tapalan ng mga dinikdik na dahon ang bahaging nananakit.

9. Sugat. Ipinanghuhugas sa sugat na hindi gumagaling ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi. Makatutulong ito upang mas mapadali ang paghilom. Maaari ding ipanghugas ang pinaglagaan ng buto ng lagundi upang maiwasan ang paglala ng impeksyon. Makatutulong din ang pagtatapal sa sugat ng dahon na pinadaanan sa apoy.

10 Pagtatae. Ang ugat ay maaaring pulbosin at ihalo sa inumin para maibsan ang pagdudumi.

11. Lagnat. Mabisa din para sa lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

12. Hika. Mabisang maiibsan din ang mga sintomas ng hika sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng lagundi.

GOUT, RAYUMA
Ito ang madalas na sakit lalo na sa mga matatanda, ano nga ba ang sanhi nito?
Ang isang pangunahing sanhi ng gout ay ang pagtaas ng lebel ng uric acid sa katawan ng tao.
Kagaya nga ng nabanggit, ang gout ay isang porma ng arthritis.
Kapag ang uric acid ay tumaas ng sobra at hindi na ito mailabas ng bato sa pamamagitan ng ihi ay naiipon ito sa iyong dugo at bumubuo ng kidney stones.
Ngunit mayroon rin namang mga kaso na mataas ang uric acid level sa katawan pero hindi inaatake ng gout.
Gayunpaman, mas mataas pa rin ang chance nilang atakihin kumpara sa mga taong mababa o tama lang ang lebel ng uric acid.
Ang pagtaas ng uric acid ng isang tao na nagiging resulta ng gout ay may malaking kaugnayan sa uri ng lifestyle na mayroon ka.
Kung matindi kang uminom ng alak ay isa ring sanhi ito. Dagdag pa diyan ang mga klase ng pagkain na iyong kinakain.

ano ang pinaka mabisang gamot para sa gout?
alamin sa baba:

1.magpiga ng isang piraso ng Lemon at 10 pirasong Kalamansi at inumin ito tuwing umaga.
2.Ipag halo luyang dilaw, luyang natural, tanglad, at pandan at pakuluan at ito ang gawing inumin. Ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng pananakit at pamamaga ng apektadong parte ng katawan. Bukod diyan ay nakakapagpalakas rin ito ng atay at linilinis ang kidney.
3.pakuluin ang 2 sanga ng celery at ito ay inumin
4.Uminom ng nilagang gotukola
5.Paghaluin ang isang kutsaritang honey sa katas ng apat na pirasong kalamansi at inumin.

No comments:

Post a Comment